Tekstong Naratibo:
Tunay na Tagumpay
Tagumapay. Lahat tayo ay may kanya-kanyang depinisyon ng tagumpay. Ngunit pa ra atin, iisa lang ang damdaming mananaig kung matatamo natin ito, walang iba kundi ang kasiyahan. Sa kabila ng tagumpay na ating nakamit, mapupuno ng saya at tuwa ang ating puso sapagkat nagawa nating lampasan at pagtagumpayan ang isang bagay.
Bakasyon noong nakaraang taon, naatasan ako sa aming simbahan na maging VCST (Vacation Church School Teacher) na siyang magtuturo sa mga bata ng mga mumunting aral tungkol sa espiritwal na pamumuhay. Sa umpisa ay nag-alinlangan akong tanggapin ang responsibilidad na ito ngunit sa huli'y ginawa ko ang tungkulin at sinimulan ko ito sa pag-asang matatapos ko ito ng matagumpay.
Sa unang araw ng aking pagtuturo, mahirapan akong pakitunguhan ang mga bata dahil iba-iba sila ng katangian at pag-uugali. Ngunit sa bawat araw na dumaan, nagawa kong makisalamuha sa kanila ng may pag-intindi at pang-unawa. Unti-unti, nakita ko sa kanila ang pagkatuto. Sa mga aktibidad na kanilang isinasagawa, nakuta kong mayroon itong magandang resulta. Sa mga leksyon na aking itinuturo, nagagawa nilang ibigay ang mga aral na kanilang napulot at natutunan.
Sa huli, natapos ko ang tungkulin ng matagumpay. Ang makita ang mga bata na masaya sa mga bagong aral na kanilang natutunan ay isang uri na ng tagumpay para sa akin. Ang maging isang guro na siyang nagbibigay gabay at kaalaman sa mga bata ay tunay na tagumpay kung tatawagin. Isang tagumpay ang makapaglingkod sa kapwa at makapagbigay sa kanila ng bagay na kailanma'y hindi mabibili ng kahit anong halaga, at ito ay ang mga aral at kaalaman sa buhay.
Thursday, January 17, 2019
Tekstong Deskriptibo:
Ang Paglalakbay
Sa gulang na dalawampu’t tatlo ako ay nakapagtapos sa kursong medesina. Mahaba ang panahong ginugol ko sa pag – aaral at sa mahabang panahon na iyon ay nagkaroon ako ng sariling “roller coaster of emotion”. May mga araw naging marupok ako, pero mas marami ang araw na naging malakas ako, salamat sa suporta ng pamilya at kaibigan ko.
Nagkaroon ako ng agam – agam kung itutuloy ko pa ba ang pagme – medisina. May mga kahinaan akong nakalinya sa medesina pero ang pagiging surgeon ay pangarap ko at ng pamilya ko. Nagtuloy ako sa medesina, sa gitna ng aking paglalakbay nakaramdam ako ng kapaguran. Nakita kong masaya at nasusulit ng mga kaibigan ko ang buhay kolehiyo. Hindi na ako masyadong nakakasama sa mga gimik nila dahil kinakailangan kong gawin ang mga school requirements ako at mag advance reading. Nasa labas sila nagsasaya habang ako nakakulong lamang sa kuwarto at nag – aaral, sa panahong iyon ay nakaramdam ak ng inggit. Iniisip ko kung ganun din ba ako kung hindi medesina ang kinuha ko. Narating ko ang punto kung saan wala na akong pake – alam sa medesina,sa perang nagastosng mga magulang ko, at sa oras. Napagod ako at ang pagpapahinga lamang ang pumasok sa isipan ko. Kinausap ko ang magulang ko at naramdaman nila kung gaano ako kapagod sa mga bagay na napagdaanan ko. Naintindihan nila ako at kahit itago nila kung gaano sila nadismaya ay nakita ko parin. Binigyan nila ako ng payo at panahon para pag – isipan ng mabuti ang gagawin kong desisyon. Sa pag – iisip isip ay naisip ko kung gaano na kalayo ang meron ako. Sa mga huling sandali ay naliwanagan ako. Para sa sarili at pamilya ko tatapusin at aabutin ko ang pangarap namin.
Sa pagtatapos ko ay nakita ko kung gaano kasaya ang pamilya sa kung ano ang narating ko. Naisip ko rin kung naging mahina at nagpadaig ako noon ay makikita ko kaya ang sarili ko ngayon sa entablado, sinasabitan ng magulang ng medalya at ribbon. Sa pagkamit ng pangarap at layunin, dapat maging matatag at huwag gumawa ng mga desisyon base sa kahinaan.

Tekstong Argumentatibo:
Subhektong Filipino, Ating Pahalagahan
Isa sa mga isyu ngayon sa bansa ay ang ipinatupad ng Commission on Higher Education (CHED) na ordinansa ukol sa pagpili ng mga mag-aaral sa kolehiyo ng kanilang Foreign Language Subject at ang pagiging optional na subject ng Filipino na kung saan, maaaring kunin nila ito bilang isa sa kanilang mga subject at maaari rin namang hindi.
Kung ako ang tatanungin, dapat pa ring kunin ang subject na Filipino sa kolehiyo. Wala namang masama kung ipagpapatuloy ito, bagkus, mas mapapalawak pa ang kaalaman natin ukol dito. Marami ang nagsasabing ayos lang kahit hindi na kunin ang Filipino subject dahil wala naman itong kinalaman sa kursong kinukuha nila. Ngunit, may kinalaman man o wala, mas maganda pa rin kung hindi natin basta basta na lang isantabi ang subject na ito.
Tingnan natin ang kadalasang nangyayari. Kahit mismong mga propesyunal, nananagalog pa rin. Minsan, mas naipapaliwanag din ng mga guro ang mga aralin gamit ang wikang Filipino, kahit na sila'y English o Science major. Ipinapakita lamang nito na malaki pa rin ang naitutulong ng Filipino subject sa atin. Isa pa, hindi lahat ng bagay tungkol sa Filipino ay alam na natin. Marami pa tayong malalaman at matututunan kung kukunin pa rin nating subject ito pagdating ng kolehiyo.
Mahalagang maintindihan natin ang kahalagahan ng Filipino sa atin. Hindi ba't napakagandang tingnan kung lahat tayong Pilipino ay may malawak na kaalaman ukol sa wika at subhektong Filipino? Na hindi lamang purong Matematika, Ingles, Siyensa, at Teknolohiya ang ating gamay. Na alam rin natin ang tungkol sa buhay ng ating bayaning si Rizal at alam nating gawing reoleksiyon at aral ang kanyang mga sinulat. Kaya't 'wag sana nating ipagwalang bahala na lamang ang subhektong Filipino dahil mayroon pa rin itong malaking maiaambag sa atin.

Tekstong Persuweysib:
STEM, Strand Para sa Mga Kabataan
Maraming nahihirapan sa pagpili ng kanilang strand pagtapak nila sa Senior High School. Marami rin ang nagkakamali ng kinukuhang strand kaya sa pagpasok nila sa ikalawang taon ng Senior High ay lumilipat sila. Kapag ikaw ay lumipat, kinakailangang balikan ang ilang asignaturang kinakailangan sa bago mong strand (halimbawa; Ang kinuha mong strand sa Grade 11 ay STEM (Science, Technology, Engineering and Mathematics)), ngayon dahil ayaw mo ng mga asignatura o dahil mahirap lumipat ka noong Grade 12 kana. Ang bago mong strand ay ABM (Accountancy, Business and Management), may mga asignaturang magkaiba ang STEM at ABM. At dahil magkaiba kinakailangan mong balikan ang ibang subject). Magiging mahirap ang sitwasyon mo, mawawalan ka ng oras sa ibang bagay dahil ang lahat ay nakonsumo na ng pagbabalik aral mo sa ilang asignatura. Para hindi ka mahirapan pillin mo ang wasto. Kung ang interest niyo ay nakalinya sa agham at matematika, mag – enroll na sa STEM. Kung mahilig kang gumawa o bumuo ng bagong bagay at mangalikot ng mga gadgets at ibang uri ng teknolohiya, tara na sa STEM!!
Sinasabing mahirap ang STEM. Sinasabing matatalino at magagaling ang estudyante ng STEM. Pero nasabi mo na bang maraming benepisyo at uportunidad ang meron sila? Kung papasok ka sa trabaho, una nilang tinitignan ang cridentials mo (kasama na dito ang school cridentil mo) at kapag nakita nilang STEM student ka noon ay aasa sila ng malaki sayo, na matalino at maaasahan ka. Sila rin ang mga estudyanteng madaling makahanap ng at makapasok ng trabaho.
Kung ngayon pa lamang ay laganap na ang teknolohiya, ano pa kaya sa hinaharap? Magiging mas maunlad pa ang kung anong meron tayo ngayong kasalukuyan, kaya kung gusto mong ihanda ang sarili at anak tara na sa STEM. Sa dalawang taon na naidagdag sa pag – aaral, matututo kang maging depende sa sarili, matututo kang harapin at solussyonan ang mga problemang kakaharapin, ang mga bagay na hindi naipapaliwanag ng iba ay maipapaliwanag mo, masasanay kang mag – isip ng kritikal, ang mga ideyang iyong naiisip ay magiging kakaiba at malikhain, magiging bihasa ka sa maraming bagay at matututo kang tumayo sa sarili mong paninindigan at paniniwala.
Maraming pagsusuri at pakikipanayan ang gagawin ng mga STEM student kaya naman masasanay kang makihalubilo at maraming opinyon ang maririnig mo, masasanay kang tapusin ang mga bagay na naumpisahan mo na. Oo mahirap ang maging estudyante ng STEM pero dahil sa kahirapan ay masasanay at matututo kang obserbahan ang mga nakapaligid sa iyo, masasanay ka sa mga mahihirap na gawain at sa pagdating ng araw na haharap ka sa mga mahirap at kritikal ding mga gawain ay hindi ka na maghihirap. Malalaman mo ring ang pag – aaral ay may malaking epekto sa iyong sarili at ibang tao.
Gusto mo ng mga benepisyo at uportunidan na tanging STEM student lang ang meron? Gusto mong sanayin ang sarili para sa hinaharap? Tara na sa STEM!! Ikaw ay magiging tagumpay sa kahit ano mang pagsubok ang kahaharapin. Sa pagpili maging mabusisi kaya piliin na ang STEM!

Subscribe to:
Posts (Atom)