Tekstong Deskriptibo:
Ang Paglalakbay
Sa gulang na dalawampu’t tatlo ako ay nakapagtapos sa kursong medesina. Mahaba ang panahong ginugol ko sa pag – aaral at sa mahabang panahon na iyon ay nagkaroon ako ng sariling “roller coaster of emotion”. May mga araw naging marupok ako, pero mas marami ang araw na naging malakas ako, salamat sa suporta ng pamilya at kaibigan ko.
Nagkaroon ako ng agam – agam kung itutuloy ko pa ba ang pagme – medisina. May mga kahinaan akong nakalinya sa medesina pero ang pagiging surgeon ay pangarap ko at ng pamilya ko. Nagtuloy ako sa medesina, sa gitna ng aking paglalakbay nakaramdam ako ng kapaguran. Nakita kong masaya at nasusulit ng mga kaibigan ko ang buhay kolehiyo. Hindi na ako masyadong nakakasama sa mga gimik nila dahil kinakailangan kong gawin ang mga school requirements ako at mag advance reading. Nasa labas sila nagsasaya habang ako nakakulong lamang sa kuwarto at nag – aaral, sa panahong iyon ay nakaramdam ak ng inggit. Iniisip ko kung ganun din ba ako kung hindi medesina ang kinuha ko. Narating ko ang punto kung saan wala na akong pake – alam sa medesina,sa perang nagastosng mga magulang ko, at sa oras. Napagod ako at ang pagpapahinga lamang ang pumasok sa isipan ko. Kinausap ko ang magulang ko at naramdaman nila kung gaano ako kapagod sa mga bagay na napagdaanan ko. Naintindihan nila ako at kahit itago nila kung gaano sila nadismaya ay nakita ko parin. Binigyan nila ako ng payo at panahon para pag – isipan ng mabuti ang gagawin kong desisyon. Sa pag – iisip isip ay naisip ko kung gaano na kalayo ang meron ako. Sa mga huling sandali ay naliwanagan ako. Para sa sarili at pamilya ko tatapusin at aabutin ko ang pangarap namin.
Sa pagtatapos ko ay nakita ko kung gaano kasaya ang pamilya sa kung ano ang narating ko. Naisip ko rin kung naging mahina at nagpadaig ako noon ay makikita ko kaya ang sarili ko ngayon sa entablado, sinasabitan ng magulang ng medalya at ribbon. Sa pagkamit ng pangarap at layunin, dapat maging matatag at huwag gumawa ng mga desisyon base sa kahinaan.
No comments:
Post a Comment