Tekstong Persuweysib:
STEM, Strand Para sa Mga Kabataan
Maraming nahihirapan sa pagpili ng kanilang strand pagtapak nila sa Senior High School. Marami rin ang nagkakamali ng kinukuhang strand kaya sa pagpasok nila sa ikalawang taon ng Senior High ay lumilipat sila. Kapag ikaw ay lumipat, kinakailangang balikan ang ilang asignaturang kinakailangan sa bago mong strand (halimbawa; Ang kinuha mong strand sa Grade 11 ay STEM (Science, Technology, Engineering and Mathematics)), ngayon dahil ayaw mo ng mga asignatura o dahil mahirap lumipat ka noong Grade 12 kana. Ang bago mong strand ay ABM (Accountancy, Business and Management), may mga asignaturang magkaiba ang STEM at ABM. At dahil magkaiba kinakailangan mong balikan ang ibang subject). Magiging mahirap ang sitwasyon mo, mawawalan ka ng oras sa ibang bagay dahil ang lahat ay nakonsumo na ng pagbabalik aral mo sa ilang asignatura. Para hindi ka mahirapan pillin mo ang wasto. Kung ang interest niyo ay nakalinya sa agham at matematika, mag – enroll na sa STEM. Kung mahilig kang gumawa o bumuo ng bagong bagay at mangalikot ng mga gadgets at ibang uri ng teknolohiya, tara na sa STEM!!
Sinasabing mahirap ang STEM. Sinasabing matatalino at magagaling ang estudyante ng STEM. Pero nasabi mo na bang maraming benepisyo at uportunidad ang meron sila? Kung papasok ka sa trabaho, una nilang tinitignan ang cridentials mo (kasama na dito ang school cridentil mo) at kapag nakita nilang STEM student ka noon ay aasa sila ng malaki sayo, na matalino at maaasahan ka. Sila rin ang mga estudyanteng madaling makahanap ng at makapasok ng trabaho.
Kung ngayon pa lamang ay laganap na ang teknolohiya, ano pa kaya sa hinaharap? Magiging mas maunlad pa ang kung anong meron tayo ngayong kasalukuyan, kaya kung gusto mong ihanda ang sarili at anak tara na sa STEM. Sa dalawang taon na naidagdag sa pag – aaral, matututo kang maging depende sa sarili, matututo kang harapin at solussyonan ang mga problemang kakaharapin, ang mga bagay na hindi naipapaliwanag ng iba ay maipapaliwanag mo, masasanay kang mag – isip ng kritikal, ang mga ideyang iyong naiisip ay magiging kakaiba at malikhain, magiging bihasa ka sa maraming bagay at matututo kang tumayo sa sarili mong paninindigan at paniniwala.
Maraming pagsusuri at pakikipanayan ang gagawin ng mga STEM student kaya naman masasanay kang makihalubilo at maraming opinyon ang maririnig mo, masasanay kang tapusin ang mga bagay na naumpisahan mo na. Oo mahirap ang maging estudyante ng STEM pero dahil sa kahirapan ay masasanay at matututo kang obserbahan ang mga nakapaligid sa iyo, masasanay ka sa mga mahihirap na gawain at sa pagdating ng araw na haharap ka sa mga mahirap at kritikal ding mga gawain ay hindi ka na maghihirap. Malalaman mo ring ang pag – aaral ay may malaking epekto sa iyong sarili at ibang tao.
Gusto mo ng mga benepisyo at uportunidan na tanging STEM student lang ang meron? Gusto mong sanayin ang sarili para sa hinaharap? Tara na sa STEM!! Ikaw ay magiging tagumpay sa kahit ano mang pagsubok ang kahaharapin. Sa pagpili maging mabusisi kaya piliin na ang STEM!
No comments:
Post a Comment