Thursday, January 17, 2019

Tekstong Naratibo:

                      Tunay na Tagumpay

        Tagumapay. Lahat tayo ay may kanya-kanyang depinisyon ng tagumpay. Ngunit pa ra atin,  iisa lang ang damdaming mananaig kung matatamo natin ito,  walang iba kundi ang kasiyahan. Sa kabila ng tagumpay na ating nakamit, mapupuno ng saya at tuwa ang ating puso sapagkat nagawa nating lampasan at pagtagumpayan ang isang bagay.
       
        Bakasyon noong nakaraang taon, naatasan ako sa aming simbahan na maging VCST (Vacation Church School Teacher) na siyang magtuturo sa mga bata ng mga mumunting aral tungkol sa espiritwal na pamumuhay.  Sa umpisa ay nag-alinlangan akong tanggapin ang responsibilidad na ito ngunit sa huli'y ginawa ko ang tungkulin at sinimulan ko ito sa pag-asang matatapos ko ito ng matagumpay.
        Sa unang araw ng aking pagtuturo, mahirapan akong pakitunguhan ang mga bata dahil iba-iba sila ng katangian at pag-uugali. Ngunit sa bawat araw na dumaan, nagawa kong makisalamuha sa kanila ng may pag-intindi at pang-unawa. Unti-unti, nakita ko sa kanila ang pagkatuto. Sa mga aktibidad na kanilang isinasagawa, nakuta kong mayroon itong magandang resulta. Sa mga leksyon na aking itinuturo, nagagawa nilang ibigay ang mga aral na kanilang napulot at natutunan.

        Sa huli, natapos ko ang tungkulin ng matagumpay. Ang makita ang mga bata na masaya sa mga bagong aral na kanilang natutunan ay isang uri na ng tagumpay para sa akin. Ang maging isang guro na siyang nagbibigay gabay at kaalaman sa mga bata ay tunay na tagumpay kung tatawagin. Isang tagumpay ang makapaglingkod sa kapwa at makapagbigay sa kanila ng bagay na kailanma'y hindi mabibili ng kahit anong halaga, at ito ay ang mga aral at kaalaman sa buhay.

No comments:

Post a Comment